Wednesday, November 26, 2008

Ang aking Talambuhay


Ako si Katrina Perez Yambot, pinanganak noong ika dalampu’t lima ng Nobyembre isang libo at siyam naraan walumpu’t siyam. Anak nina Onofre at Gloria Yambot, na naninirahan sa Brgy. Sto Tomas North Jaen, Nueva Ecija. Ako ay bunso sa apat na magkakapatid na sina Alvin, Erick,at Karen. Ang aking kuya ay mayron ng sariling pamilya, si dikong still single, ate naman na gtatrabaho sa Dubai, na ngtapos din sa larangan ng pagtuturo. Siya ang tumutulong kila nanay at tatay upang akoy makapagaral. Ang aking ina ay isang sastre, siya ay mapagkalinga,maunawain,at mabuting may bahay. Ang akin ama naman ay mabuting haligi ng tahanan diya ang nagtataguyod sa aming pamilya.

Ako at nagtapos sa mababang paaralan na Sto Tomas North Elementary School, at nagtapos naman sa mataas na paaralan ng San Agustin Diocesan Academy (Catholic School) dito ay nahubog ana aking paniniwala, pananalig at angina malapit ako sa diyos. Kasalukuyan naman ako’y nagaaral sa Nueva Ecija University of Science and Technology sa larangan ng pagtuturo sa Industriya at Ekonomiya (BSIE). Bata pa lamang ako ay gusto ko ng maging isang dakilang guro dahil naniniwala ako na ang guro ang pundasyon”” ng isang mag-aaral, gusto ko rin makatulong sa mga bata upang sila’y matuto magbasa at nagsulat, “Teaching is a Noble Profession”. Siguro na sa lahi na din namin kung bakit gusto kong maging guro. Hind ako palakibong tao lalo na’t diko naman ka daupangpalad ang isang tao. Datap’wat subalit hindi naman ako mailap maging kaibigan. May mga taong nagbibigay kalakasan sa saaking katauhan ay walang iba kundi ang aking mag kaibigan, at higit sa lahat ang aking pamilya at mga mahal sa buhay, na kahit anu mang landas na aking tahakin sa laban ng aking buhay ay naroon sila sa aking tabi.

No comments: