
Bulaklak ng santan, pumpungan ng gumamela. Hawiin mo at duon ay iyong makikita ang talambuhay ko ay nakalapida.
Sa isang maliit at liblib na bayan ng Nueva Ecija na nagngangalang bayan ng San Antonio na kung saan sa bayang ito ako iniluwal ng aking mga dakilang magulang na may dakilan pangalan, na sila Dominga Sulit Garduce at Juanito Garduce. Sila ang mga taong pinagkakautangan ko ng aking buhay, at sila rin ang gabay ko sa aking kinabukasan. Lima kami na supling. At lahat sa amin ay kalalakihan. Ang aming panganay ay nag ngangalan Michael, sumusunod sa bilang ay si Maryo, sinundan ito ng ikatlo na si Marvin at sumsnod naman ako. At ang kahulihlihan ay an gaming bunso na si Rj. Kami ay naninirahan sa maliit na barangay ng julo na nasasakupan ng bayan ng San Antonio at ditto sa barangay na ito nabuo ang aking mga pangarap.
Bata palang ako ay mahilig na akong mangarap. Dahil alam ko namang libre at walang bayad. Nung una akala ko ay hindi akoganap na lalaki, sapagkat ang mga nakahiligan kong mga Gawain at mapaglilibangan gawaing pambabae, katulad ng mga sumunod.nahilig ako sa mga gawaing makapawi ng aking antok, inip,at pagkabagot.natutunan ko ang manahi, magburda mag gantsillo, mag cross stich, ang magluto, magpaganda ng mga bahay mag ayos ng mga bulaklak sa kasal, sa may kaarawan, at sa binawiin ng buhay, mahilg din akong mag alaga hayop.at sa magpahangasa ngayon nananalaytay pa din sa mga kamay ko ang ganitong gawain. Nag aaral ako sa kasalukuyang taon na ito sa kolehiyo, na kung saan ito ang magiging unang hakbang ko sa aking mga pangarap. Dahil sa hirap ng buhay napilitan akong kumuha ng isang kurso, pero hindi ko gusto, hindi lumaon ay nagustuhan ko na din ito. Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong baitang na ako ng pag aaral sa larangan ng pagtuturo na kung saan unti unting magiging matagumpay ang aking mga pangarap ako ay kumukuha ng isang larangan sa aaralan ng N.E.U.S.T. ang Nueva Ecija Unibersidad ng Siyensia at Teknolohiya.
No comments:
Post a Comment