
ANG AKING TALAMBUHAY
(Michael Angelo M. Remodo)
Ako ay ipinanganak noong ika-pito ng Nobyembre taong isang libo siyam na raan at walumpo’t lima (November 07, 1985). Ako ay isinilang sa Ospital ng lungsod ng Quezon. Ako ay lumaki sa pangangalaga ng aking ina. Ang aking ina ay isang mabuting maybahay at ilaw ng tahanan. Ang aking ama naman ay isang mabuting haligi ng tahanan. Kami ay apat na magkakapatid, tatlong lalaki at isang babae. Ako and panganay sa aming magkakapatid. Noong bata pa ako ay mahilig akong kumain, maglaro at gumala sa iba’t ibang lugar. Mahilig din akong gumuhit ng mga larawan. Pangarap kong maging isang alagad ng sining subalit iba ang pangarap ng aking mga magulang para sa akin, nais nilang ako’y maging isang guro. Sa pag-uugali naman, ako ang tipo ng tao na tahimik lang, simple at makulit. Ako ay mahilig kumain at ang aking paboritong pagkain ay ang Bicol express. Isa sa aking paboritong laro o libangan ay ang badminton. Ako ang tipo ng tao na mahilig makipag-kaibigan. Simpleng buhay ang pangarap ko, pinalaki kasi kami ng aming mga magulang na may takot sa Diyos. Itinuro din nila sa amin kung paano maging responsible sa lahat ng bagay. Mabuhay ng maayos at laging nasa tamang landas. Pangarap ko rin ang makarating sa mga magagandang lugar na di ko pa nararating dahil mahilig talaga akong gumala. Higit sa lahat, pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa aking pamilya at para makatulong sa paghubog sa mga batang siyang magiging pag-asa ng bayan at maging isang huwaran at mabuting guro.
No comments:
Post a Comment