Thursday, November 20, 2008


Ang Aking Talambuhay



Ako si Cristopher L. Carlos. Ipinanganak ako noong ika-labinglima ng mayo, taong isang libo siyam na raan at walumpu’t pito. Ako ngayon ay dalampu’t isang taong gulang. Ipinanganak ako sa Santo Rosario, Aliaga, Nueva Ecija. Nakatira kami ngayon sa isang liblib na lugar sa Sta. Monica, Dampulan Jaen, Nueva Ecija. Ang aking ulirang ama at ina ay sina Edwin B. Carlos at Conchita L. Carlos. Sa sobrang pagmamahalan ng aking butihing ama at ina, ito ay nagbunga ng apat na malulusog, magaganda at gwapong anak. Ang dalawa dito ay lalaki, samantala ang dalawa naman ay babae. Ang pangalan ng aking nakatatandang kapatid ay si Maria Cristina at ang pangatlo naman ay si Alexander at ang aming pinakamalusog na kapatid na walang iba kundi si Evangelyn. Pangalawa ako sa aming mga magkakapatid.
Ako ay nakatapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Jaen West at nakatapos ako ng Sekondarya sa Mataas na Paaralan ng Putlod. Sa hindi inaasahan pagkakataon napilitan ako maghinto ng pag-aaral. Ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa para makapag-aral.
At sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa isang Universidad ng Syensia at Teknolohiya ng Nueva Ecija at ako ay kumukuha ng kursong Dalubhasaan sa Edukasyong Pangsekundarya. Ako ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay at pamilya balang araw at sisikapin kong maging isang mabuting magulang sa aking magiging anak. Gusto ko din na makapunta sa ibang bansa para makapagtrabaho at magkaroon ng sariling bahay.
Mahilig din ako makinig ng musika at manood ng banda, marunong din akong maglaro ng basketbol at chess, manood ng telebisyon, kumain ng kumain matulog ng matulog, at higit sa lahat ang manligaw.

No comments: