Thursday, November 20, 2008

Alexander L. Carlos


Ang Aking Talambuhay

Ako si Alexander L. Carlos. Ipinanganak ako noong ika-labingtatlo ng Abril, taong isang libo siyam na raan at walumpu’t siyam. Ako ngayon ay labing siyam na taong gulang. Ipinanganak ako sa San Roque, Bungo Jaen, Nueva Ecija. Nakatira kami ngayon sa isang liblib na lugar sa Sta. Monica, Dampulan Jaen, Nueva Ecija. Ang aking ulirang ama at ina ay sina Edwin B. Carlos at Conchita L. Carlos. Sa sobrang pagmamahalan ng aking butihing ama at ina, ito ay nagbunga ng apat na malulusog, magaganda at gwapong anak. Ang dalawa dito ay lalaki, samantala ang dalawa naman ay babae. Ang pangalan ng aking nakatatandang kapatid ay si Maria Cristina L. Carlos at ang pangalawa naman ay si Cristopher L. Carlos at ang aming pinakamalusog na kapatid na walang iba kundi si Evangelyn L. Carlos. Pangatlo ako sa aming mga magkakapatid.

Sa edad na labing-isa, ako ay nakatapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Jaen West at sa edad namang labing-apat nakatapos ako ng Sekondarya sa Mataas na Paaralan ng San Anton. Subalit, sa ‘di inaasahang pagkakataon ako at ang kuya ko ay napilitang maghinto ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay kaya kami ay pumasok sa kahit anong uri ng trabaho, kahit na maliit ang karampatang sahod na aming natatamo hindi ito naging hadlang upang ayawan namin ang aming trabaho, maaaring sabihing ito ay hindi angkop sa aming napagtapusan, pero nakatitiyak kami na ito ay marangal.

Sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa isang Universidad ng Syensia at Teknolohiya ng Nueva Ecija at ako ay kumukuha ng kursong Dalubhasaan sa Edukasyong Pangsekundarya.

Ngayon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hindi biguin ang mga taong sumusuporta sa akin at umaasa na balang araw ako at sampu ng aking mga kasamahan ay makatutupad sa aming mga binitawang pangako o salita.

No comments: